Wednesday, October 18, 2017

Internet at Social Media



Sa panahon ngayon, lahat ng tao ay gumagamit ng internet at social media araw-araw. Mga guro, mag-aaral, artista o kahit presidente ay gumagamit nito. May maganda at masamang epekto ang naidudulot nito depende sa tamang paggamit natin.



Karamihang gumagamit ng social media ay mga kabataan.  Ang mga kabataan ang aktibo at nawiwiling gumagamit ng kahit anong social networking sites. Nakatutulong ito para sa kanilang kompyansa sa sarili, sa kanilang pakikipag komunikasyon at pakikipag-usap sa ibang tao. Magagamit natin ito sa pakikipag komunikasyon sa mga kaibigan at mahal natin sa buhay na nasa malayong lugar.




Ang magandang epekto nito sa mga mag-aaral
ay marami silang mga importanteng
impormasyon na nakukuha dito dahil ngayon, lahat ay makikita na sa internet. Malaking tulong ito sa mga reports, research, assignments o kahit anong ipapagawa ng mga guro.

Ang masamang epekto nito ay lahat ng oras natin ay mapupunta sa paggamit natin nito. Nagiging tamad tayo sa mga kailangan nating gawin dahil ang atensyon natin ay nakutuon dito. May mga importanteng gawain tulad ng mga assignments, projects, reports na napapabayaan ng mga mag-aaral dahil sa kakalaro sa social media. Isa ring masamang epekto nito ay may mga masasamang balita o posts tayong makikita. Mapapa-away dahil sa mga di kagustuhang post na nababasa.



Pero tayong mga mag-aaral, tamang paggamit ng internet, tamang oras at atensyon ang ibibigay natin dito. Dapat responsable at mag-ingat tayo sa kung ano man ang ilagay natin sa social media.

Determinasyon at tiwala sa sarili, makakamit din natin ang ating mga pangarap at tagumpay.

No comments:

Post a Comment